Duyan (feat. Henry)

Duyan (feat. Henry) a song by "Lil Jay" on Foxsoundi — Free Music, Smart Streaming for Everyone

Duyan (feat. Henry) by "Lil Jay"

Duyan (feat. Henry) Lyrics

[00:13.05] Kahit bata pa ako, parang alam ko na lahat
[00:16.18] Mga lihim na pagtingin na 'di ko maipagtapat
[00:19.16] Nagiging masaya ako sa t'wing kasama na kita
[00:22.29] At nalulungkot naman kapag hindi ka nakikita
[00:25.02] Mag-aantay sa school na bumaba ka sa tsikot
[00:28.39] At sa ating tagpuan, sana ika'y sumipot
[00:31.34] Sabay nating kakainin mga dala nating baon
[00:34.48] At sa 'yong pag-uwi, gumamela aking pabaon
[00:37.56] Simbolo ng pag-ibig kong 'di kayang bigkasin
[00:40.34] Dahil natatakot ako, baka tayo'y paglayuin
[00:43.58] Pagsapit ng alas-kuwatro, dadalaw sa inyong bahay
[00:46.77] Lalabas sa may kalsadang magkahawak ang kamay
[00:49.55] Maglalaro ng habulan, patintero, tumbang preso
[00:52.87] At kapag pagod ka na, ibibili kita ng Zesto
[00:56.07] At doon iinumin sa ating tagpuan
[00:58.86] Masayang nagkukulitan habang tayo'y nagduduyan
[01:01.17] Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
[01:07.22] Sa 'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
[01:13.39] Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
[01:20.64] Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis, kay tagal kong tiniis
[01:28.36] 'Di rin nagtagal, nalaman ng iyong magulang
[01:31.14] Ang lihim na pagtingin na sila ang naging hadlang
[01:34.19] Ilang araw, ilang linggo ka nilang 'di pinalabas
[01:36.94] At minsan naiisip ko, baka ito na ang wakas
[01:40.22] Sa mura kong edad, lungkot aking naramdaman
[01:43.05] At dahil bata pa ako, walang alam na paraan
[01:46.31] Umalis ka ng bansa at nilayo ka nang tuluyan
[01:49.38] At ngayon, sa 'ting tagpuan, mag-isa nang nagduduyan
[01:52.47] At ngayong malaki na 'ko, ramdam ko na ang lahat
[01:55.43] Parang sa buhay ko'y may kulang at parang hindi sapat
[01:58.73] Tadhana ba ito o talagang nakaplano?
[02:01.43] Sa langit, nakatingala sa dadaan na eroplano
[02:04.52] At nagbabaka-sakaling doon ka nakasakay
[02:07.70] Dahil ako'y nandito lang at sa iyo'y nag-aantay
[02:10.51] Na darating ang panahong muli kitang masisilayan
[02:13.83] Doon sa ating tagpuan na ikaw ay nagduduyan
[02:16.08] Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
[02:22.25] Sa 'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
[02:28.42] Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
[02:35.43] Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis, kay tagal kong tiniis
[02:42.69] Lumipas na ilang taon, wala pa din akong balita
[02:45.99] 'Di ko na rin matiyak kung tayo'y muling magkikita
[02:49.00] Lagi kong tinatanong kung pa'no ba at kung saan
[02:51.83] Kung pa'no ba at kung saan kita matatagpuan
[02:55.07] Ilang buwan, ilang taon na tiniis ko ang lungkot
[02:58.07] Ilang buwan, ilang taon, naramdaman ko ang poot
[03:01.40] Ang makita kang muli na kay tagal kong hinangad
[03:04.33] Kung may pakpak lang ako, baka ako na'y lumipad
[03:07.19] Patungo sa lugar kung sa'n ka man naroroon
[03:10.19] Kakalimutan ang ngayon, babalikan ko ang noon
[03:13.27] Dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon
[03:16.34] Dahil maaga tayong pinaglaruan ng panahon
[03:19.44] Hindi ko na alam kung sa'n pa ba 'ko lalagay
[03:22.74] Ang lagi kong tanong, hanggang kailan mag-aantay
[03:25.58] Na darating ang panahon, sabay nating babalikan
[03:28.65] Ang alaalang kay sayang hawak-kamay na nagduduyan
[03:31.19] Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
[03:37.09] Sa 'ting tagpuan ay naghihintay pa rin (naghihintay pa rin)
[03:43.24] Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis (maalis)
[03:50.46] Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis, kay tagal kong tiniis
[03:55.40] Kislap ng 'yong mata'y 'di kayang limutin
[04:01.68] Sa 'ting tagpuan ay naghihintay pa rin
[04:07.78] Umukit ka sa puso ko at 'di na maalis
[04:14.72] Ang mga alaala nating dalawa na kay tamis, kay tagal kong tiniis
[04:23.57]

From the album: Allstar Productions: Collections 101