Blue

Blue a song by Yuridope on Foxsoundi — Free Music, Smart Streaming for Everyone

Blue by Yuridope

Blue Lyrics

Oh
'Wag ka nang lumapit sa'kin, oh
Kung anong meron sa'tin yo'ko nang lumalim, ohh
Tutal 'di ka rin naman marunong umamin
Kung anong nadarama mo sa'kin
'Wag ka namang sinungaling, 'wag
(Dope)

Yeah
Ayaw na kitang katabi
Nakakatakot na kasi
Sa lagkit ng 'yong tingin ang dali mo 'kong mabihag
Tas baka ako lang ang hantikin
Kasi baka 'di ka totoo
At ako lang ay niloloko mo
Kasi 'pag nawawala na yung dilim ay nawawala ka rin
Tamo yung puso ko ay ginugulo mo
Minsan, ayaw na kitang tanungin kung bakit 'di ka nagpapaalam
Baka kasi nagmamadali ka lang
At baka di mo na balikan
Ang sakit sakit isipin
Ang pagkukulang mo ayoko nang silipin
Kasi baka maging butas ko lang din kapag pinilit
Kitang kwestyunin at sagutin alam ko na
'Di mo na dapat pang sabihin

'Wag ka nang lumapit sa'kin, oh
Kung anong meron sa'tin yo'ko nang lumalim, ohh
Tutal 'di ka rin naman marunong umamin
Kung anong nadarama mo sa'kin
'Wag ka namang sinungaling, 'wag

Ang hirap ako ay 'di makapagreklamo
At saki'y hinding hindi ka maninibago
Iniingatan ko kung anong meron tayo
Kahit hindi tayo, kahit sigurado na 'ko sayo
'Di ko tiyak kung sayo ano ba 'ko
Ayoko naman mapanatag na litong lito ang utak 'pag
Ikaw ay hindi ko nakikita
Nakakatulog lang ako 'pag unan ko ay hita mo
'Pag yakap kita sa'king madilim na kwarto
Kapag katagayan ka mas matino pa 'ko
Mga pag-aalala'y nalilimutan ko, oh
May mali ba o malalim lang ako masyado mag-isip
At natatakot baka walang sumagip
Kabado kasi baka mawala ka pagpikit
At katulad ka lang din ng iba kaya mabuti na

'Wag ka nang lumapit sa'kin, oh
Kung anong meron sa'tin yo'ko nang lumalim, ohh
Tutal 'di ka rin naman marunong umamin
Kung anong nadarama mo sa'kin
'Wag ka namang sinungaling, 'wag

'Wag ka nang lumapit sa'kin, oh
Kung anong meron sa'tin yo'ko nang lumalim, oh
Tutal 'di ka rin naman marunong umamin
Kung anong nadarama mo sa'kin
'Wag ka namang sinungaling, 'wag
Oh, yeah
Oh, oh
Wag ka namang sinungaling, oh

From the album: Blue